PLANONG pirmahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Dec. 20, ang proposed 6.352-trillion peso 2025 National Budget.
Ito’y matapos aprubahan ang pinal na bersyon ng 2025 General Appropriations Bill sa bicameral conference committee ng Senado at Kamara.
Gayunman, nilinaw ng Presidential Communications Office na tentative pa ang petsa ng paglagda ng Pangulo at hindi pa sigurado.
Matatandaang sinertipikahang urgent ni Pangulong Marcos ang 2025 budget bill para sa mas mabilis nitong pagpasa.