PINANGUNAHAN ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy ang pagbubukas ng Dayun Kamo! Art Exhibit, sa Calbayog Creative Hub, sa Handuman Building, Sen. J.D. Avelino Avenue.
Ang naturang exhibit na itatampok din sa mga piling establisimyento sa ilalim ng Dayun Calbayog! Hotel, Restaurant, and Bars Association, ay maglalapit sa local artistry sa mga residente at bisita, upang ipakita ang makulay na cultural identity ng lungsod.
Highlights sa event ang presensya ng kilalang Calbayog visual artist na si Ombok Villamor, na kamakailan ay naging kinatawan ng lungsod sa World Dubai.
Ang kanyang partisipasyon ay pagbibigay diin na pang-international ang artistic talent ng Calbayog.
Dumalo rin sa okasyon si Cesar Ventures, OIC ng City Economic and Investment Office, at Almira Calbes, acting president ng Dayun Calbayog!




