PINAKAKASUHAN ng murder ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Department of Justice (DOJ) si dating Leyte Rep. Vicente Veloso III at lima umano nitong mga kasabwat sa pagpaslang sa isang barangay councilor noong 2016.
Nagpadala ng sulat ni Police Lt. Col. Jessie Misal, Deputy Chief ng Major Crimes Investigation Unit ng CIDG, kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, upang hilingin sa DOJ na gumawa ng kaukulang aksyon laban kay Veloso at sa iba pang respondents sa pagpatay kay Anthony Nuñez.
Calbayog City LGU, nag-turnover ng panibagong School Vehicle sa ilalim ng Sakay Na Program
Mahigit 236 million pesos na halaga ng Relief, inihanda ng DSWD Region 8 para sa mga biktima ng kalamidad
Pasok sa mga paaralan sa ilang bahagi ng Eastern Visayas, sinuspinde kasunod ng Magnitude 6 na lindol
DPWH, magpapatupad ng 15-Ton Load Limit sa Calbiga Bridge sa Samar
Nakasaad sa liham ng CIDG na siyang nag-imbestiga sa kaso na politically motivated ang krimen, kung saan si Veloso ang lumitaw na mastermind, at itinumba si Nuñez dahil sinuportahan nito ang kalabang kandidato ng dating kongresista.
Si Nuñez na Kagawad sa Barangay Manlawan sa Bayan ng Tabango, Leyte, at pinaslang sa loob ng sabungan noong Jan. 23, 2016.