PUMANAW na si Dating House Speaker Jose De Venecia, sa edad na 89.
Sa statement, inanunsyo ng pamilya ang pagpanaw ng dating speaker, na mahigit anim na dekadang inilaan ang buhay sa public service bilang journalist, diplomat, entrepreneur, legislator, speaker of the house, at global advocate for peace.
Nagsilbi si JDV ng pitong termino bilang miyembro ng Kamara na kumakatawan sa kanyang hometown sa Pangasinan, at lima rito ay bilang house speaker.
Nagbigay pugay si Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) President at Former Speaker Martin Romualdez sa kanyang kaalyado at longtime party stalwart, at inilarawan si De Venecia bilang “man of brilliance, courage, and compassion.”




