INARESTO ng South Korean Prosecutors ang dating defense minister na si Kim Yong-Hyun dahil sa kanya umanong papel sa deklarasyon ng martial law ni President Yoon Suk Yeol, ayon sa Yonhap News Agency.
Si Kim na nag-alok ng kanyang pagbibitiw noong Miyerkules, ay ang nakita bilang central figure ng panandaliang martial law declaration noong martes ng gabi.
ALSO READ:
French Ex-President Sarkozy, sinimulan na ang kanyang Jail Sentence bunsod ng Campaign Finance Conspiracy
2 Airport staff, patay matapos dumulas sa Runway ang 1 Cargo Plane sa Hong Kong
Pakistan at Afghanistan, nagkasundo para sa agarang Ceasefire Pagkatapos ng Peace Talks sa Doha
Ukraine, nagpatupad ng Blackouts sa maraming rehiyon kasunod ng pag-atake ng Russia sa Power Grid
Ayon sa Senior Military Official, si Kim ang nagpanukala ng martial law kay Yoon.
Tinanong ng special investigative team ng prosecution si Kim na boluntaryo namang humarap sa Seoul Central District Prosecutors’ Office.
Idinagdag ng Yonhap na inisyuhan ng travel ban si Kim habang iniimbestigahan ito ng prosekusyon.