Inabisuhan ng Department of Transportation (DOTr) ang mga motorista sa gagawing pagbiyahe sa tunnel boring machine na gagamitin para sa Metro Manila Subway Project.
Ayon sa DOTr, sa March 15 hanggang March 17 ay maaaring makaranas ng pagbagal sa daloy ng traffic sa ilang lansangan sa Metro Manila sa mga oras na isasagawa ang pagbiyahe sa mga TBM.
Gagawin ito mula alas 9:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng madaling araw sa March 15 hanggang March 17.
Dadalhin ang TBM patungo sa Camp Aguinaldo Station.
Ayon sa DOTr, maaaring maapektuhan ang sumusunod na mga lansangan:
- Port/ R-10 (between 9 p.m. to 9:30 p.m.)
- C3 Road (between 9:30 p.m. to 10:30 p.m.)
- 5th Avenue (between 10:30 p.m. to 12:00 a.m.)
- G. Araneta Avenue (between 12:00 a.m. to 1:30 a.m.)
- E. Rodriguez Sr. Avenue (between 1:30 a.m. to 2:00 a.m.)
- Gilmore Avenue (between 2:00 a.m. to 3:00 a.m.)
- Col. Bonny Serrano Avenue (between 3:00 a.m. to 4:00 a.m.)
Pinapayuhan ang mga motorista na iwasan ang mga kalsada sa nasabing mga oras.