27 January 2026
Calbayog City
Province

Dalawang nagpanggap na recruiter, dinakip ng NBI sa Cavite

INARESTO ng national Bureau of Investigation (NBI) Cavite North District Office ang dalawang indibidwal bunsod ng umano’y pagre-recruit sa mga tao na mag-trabaho sa ibang bansa at dahil sa estafa.

Kinilala ang mga suspek na sina Girish Fuego at Glenmore Banagan na nasakote sa entrapment operation.

Nag-ugat ang pag-aresto mula sa reklamong isinampa ng pitong indibidwal laban sa dalawang suspek.

Isa sa mga complainant ang nagsabi sa kanyang sinumpaang salaysay na nagpakilala si Fuego bilang recruitment agent ng CPL masters recruitment inc. At inalok siya na mag-trabaho sa Austria bilang mason na may buwanang sweldo na 100,000 pesos.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).