DALAWAMPU’T walo ang patay nang madiskaril ang express train sa Southern Paskistan.
Nangyari ang pagkakadiskaril ng Hazara Express malapit sa Sahara Railway Station sa Nawabshah City sa Southern Sindh Province.
Lulan ng tren ang nasa isanlibong pasahero nang madiskaril ang walong bagon nito.
Ayon sa Railway Minister ng bansa, kabilang sa posibleng dahilan ng trahedya ay mechanical fault o posible ring sabotahe.