Aprubado na ang 25 pesos hanggang 100 pesos na dagdag sahod sa mga minimum wage earners sa Calabarzon.
Ayon sa National Wages and Productivity Commission, simula sa October 5, 2025 ay P550 haggang P600 na ang minimum na sweldo sa mga manggagawa sa non-agriculture na nasa component cities at first-class municipalities sa Region IV-A. Habang P525 naman para sa mga manggagawa sa agriculture sector.
Sa mga nasa reclassified first-class municipalities at sa second to fifth class municipalities naman, hahatiin sa dalawa ang pagbibigay ng wage hike.
Para sa mga manggagawa sa reclassified first-class municipalities magiging P510 na ang minimum wage simula Oct. 5 at magiging P550 sa Apr. 1, 2026.
Para naman sa mga manggagawa sa second to fifith class municipalities magiging P510 na ang minimum wage simula Oct. 5 at magiging P525 sa Apr. 1, 2026.




