EPEKTIBO na sa April 8, 2026 ang unang tranche ng dagdag sahod para sa mga manggagawa sa pribadong sektor sa Bicol Region.
Ayon sa National Wages and Productivity Commission, may dagdag na twenty pesos sa sahod ng mga minimum wage earner sa rehiyon sa April 8.
Dahil dito, mula sa kasalukuyang four hundred thirty-five ay magiging four hundred fifty-five pesos na ang minimum na sahod sa rehiyon.
Habang sa December 1, 2026 naman ipatutupad ang ikalawang tranche ng dagdag-sahod na twenty-five pesos.




