HINIHINTAY pa ng Department of Agriculture (DA) ang karagdagang guidance mula sa COMELEC bago mailunsad ang 20 pesos per kilo na bigas ngayong Linggo.
Ipinaliwanag ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., na bagaman binigyan na ng exemption ng poll body ang proyekto ng ahensya mula sa election spending ban, kailangan din aniyang kumuha ng exemptions ang Local Government Units na magbibigay din ng subsidy sa project.
Senior citizens na nakatanggap ng Social Pension noong nakaraang taon, lagpas pa sa target
Pangulong Marcos, nagbigay ng financial assistance at medical equipment sa ospital sa Cebu
Dating DPWH Sec. Manuel Bonoan, maari nang i-deport ng US, ayon kay Ombudsman Remulla
Atong Ang, Number 1 Most Wanted sa bansa ayon sa DILG; Red Notice laban sa negosyante, ihihirit ng pamahalaan
Sa ilalim ng naturang proyekto, unang ilulunsad ang bente pesos na kada kilo ng bigas sa Western, Central, at Eastern Visayas, gayundin sa Negros Island, dahil sa mataas na poverty incidence at sapat na stocks sa mga naturang lugar.
Tinaya ng DA na aabot sa 800,000 families o 4 million individuals sa pilot areas ang makikinabang sa mas murang bigas.
