WALONG indibidwal ang nasawi matapos mahulog ang multicab sa bangin sa Ayungon, Negros Oriental.
Batay sa imbestigasyon, lulan ng sasakyan ang dalawampung pasahero nang mawalan ng preno habang binabagtas ang palusong na bahagi ng highway.
Bumulusok ang multicab at pabaliktad na bumagsak sa ibaba ng bangin.
Pitong pasahero naman ang kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon habang kabilang ang driver sa mga nakaligtas.




