NAKAPAGTALA ang Anti-Fake News Desk ng Presidential Communications Office ng sudden at coordinated surge ng disinformation sa social media.
Ayon kay PCO Acting Secretary Dave Gomez, partikular na target ng disinformation ang may kinalaman sa kalusugan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Bagaman hindi tinukoy kung sino ang posibleng nasa likod ng fake news, ayon kay Gomez, kahina-hinala ang timing ng pagdami ng disinformation.
Sa kabila naman ng mga atake sa social media, sinabi ni Gomez na hindi nagpapaapekto ang pangulo, lalo na at nasa gitna ang bansa ng national energy emergency.
Focus lang aniya si Pangulong Marcos sa pagtugon sa energy concerns at sa pagbibigay ng tulong sa mga Pilipino.
Sa panig naman ng PCO, mino-monitor at idinodo-dokumento nito ang mga kumakalat na posts at comments bilang bahagi ng pagbuo ng ebidensya at pagsasampa ng kaso.




