Tiniyak ng COMELEC na reresolbahin nila ang mga kasong kinasasangkutan ng nuisance candidates para sa 2025 midterm elections hanggang sa katapusan ng Nobyembre ngayong taon.
Sinabi ni COMELEC Chairman George Garcia na target ng poll body na matapos ang mga kaso, bago ang paglilimbag ng mga balota na gagamitin sa may 2025 national and local elections na magsisimula sa Disyembre.
ALSO READ:
Grupong BAYAN inihahanda na ang panibagong malawakang protesta
Panukalang bumalik ang bansa sa Rome Statute hindi pa natatalakay ng Palasyo
VP Sara, bilib sa mga dating sundalong nagbunyag ng sabwatan ng ilang mambabatas at ICC investigators
Dating Pangulong Duterte, walang direktang utos ng pagpaslang sa Oplan Tokhang, ayon sa defense lawyer
Ang paghahain ng Certificates of Candidacy (COC) ay mag-uumpisa na bukas, Oct. 1 hanggang Oct. 8.
Sisimulan naman ng poll body ang pag-a-upload sa kanilang website ng COCs, kabilang ang Certificate of Nomination and Acceptance (CONAs) ng mga aspirante sa Oct. 18.
