19 September 2024
Calbayog City
Entertainment

‘Shogun’ Cast and Crew, ipinagdiwang ang pagkapanalo ng Major Drama Categories sa Emmys

NAPANALUNAN ng historical epic na “Shogun” ang prestihiyosong Best Drama Award sa Emmy Awards, habang wagi rin ang  “Hacks”  bilang Best Comedy.

Nanalo ang japanese actors na sina Anna Sawai at Hiroyuki Sanada ng best actress at best actor para sa “Shogun” habang itinanghal si Frederick E. O. Toye bilang Best Director for a Drama Series para sa naturang show.

Nagwagi rin ang television ng series ng labing apat na trophies sa Creative Arts Emmys na kumikilala sa mga guest actors at crafts, gaya ng cinematography at production design.

Napukaw ng naturang series ang atensyon ng marami dahil mayorya ng cast ay Japanese, gayundin ang ginamit na primary language.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).