INAPRUBAHAN ng en banc ng Commission on Elections ang pagpapaliban sa Bangsamoro Parliamentary elections na idaraos dapat sa March 30, 2026.
Ayon kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia, naglabas ng resolusyon ang en banc kasunod na din ng rekomendasyon ng executive director at law department ng poll body gayundin ng Bangsamoro Study Group.
Batay sa naging rekomendasyon, legally at operationally ay hindi na posibleng maisagawa ang eleksyon sa March 30 dahil sa kawalan ng redistricting law.
Kapos na rin aniya ang panahon para makapaghanda sa eleksyon.




