MAHIGIT apatnapu katao ang nawawala habang sampu ang nasagip sa paglubog ng bangka sa sikat na pamilihan sa hilagang kanluran ng Sokoto State sa Nigeria.
Ayon sa pinuno ng National Emergency Management Agency, lulan ng bangka ang nasa limampung pasahero patungong Goronyo Market nang mangyari ang aksidente.
67 katao, inaresto bunsod ng illegal alcohol production matapos masawi ang 23 katao sa Kuwait
Mahigit 340 katao, patay sa matinding pagbaha at pagguho ng lupa sa Pakistan
Mahigit 600 flights ng Air Canada kanselado dahil sa malawakang welga ng mga flight attendant
Russian President Vladimir Putin, naniniwalang sinsero ang mga hakbang ng US para matapos na ang giyera sa Ukraine
Sinabi ng ahensya na nakikipag-ugnayan na sila sa mga lokal na awtoridad at Emergency Responders para sa Search and Rescue Operation.
Tatlong linggo na ang nakararaan ay labintatlo katao ang nasawi habang marami ang nawawala matapos ding lumubog ang bangka na may lulang isandaang pasahero sa Niger State sa North-Central Nigeria.