HANDANG harapin ng mga opisyal ng Commission on Elections ang impeachment complaint na isasampa laban sa kanila.
Sa inilabas na pahayag, itinanggi ng COMELEC na binibigyang-pabor nina COMELEC Chairman George Garcia at mga commissioner ang mga senador sa mga kaso kaugnay sa campaign finance.
ALSO READ:
Ayon kay Garcia, ang mga binabanggit na kaso ay old issues na at paulit-ulit nang nasagot ng poll body.
Maliban dito, ang resulta ng 2022 at 2025 elections ay napatunayan na ng random manual audit at ng mga revision ng balota sa iba’t ibang posisyon at lugar.
Kinilala rin ng mga citizens’ arm, observers at international community ang resulta ng magkasunod na halalan.




