NASUNGKIT ng Creamline ang Bronze Medal sa 202 PVL on Tour matapos ma-sweep ang Cignal sa score na 25-17, 29-27, 25-17, sa Mall of Asia Arena, kahapon.
Pinangunahan ng Veteran Opposite Hitter na si Michele Gumabao ang Cool Smashers sa pamamagitan ng 21 points na kinabibilangan ng 16 attacks, three blocks at isang ace, para ma-secure ang Podium Finish.
Manny Pacquiao, nagsimula nang mag-training, limang buwan bago ang rematch laban kay Floyd Mayweather JR.
Benilde, pinauwi ang Perpetual para sa ikalimang sunod na NCAA Women’s Volleyball Finals
Pinay Tennis Ace Alex Eala, laglag na sa 2026 Miami Open
World No.1 Carlos Alcaraz, pinadapa ni Sebastian Korda sa Third Round ng Miami Open
Humabol ang HD Spikers sa 24-20 Lead sa pangalawang Set matapos ang Service Error mula kay Aleiah Torres.
Gayunman, hindi pinayagan ng Cool Smashers na makakuha ng kahit isang Set ang Cignal at agad tinapos ang laro sa tatlong Sets.
Nag-ambag din si Jema Galanza ng 13 points na may 8 digs at 7 receptions habang ang Team Captain na si Alyssa Valdez ay nakapagtala ng 12 markers at seven receptions.
