NAKAREKOBER agad ang Creamline Cool Smashers matapos kapusin sa 2024-2025 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference.
Ayon sa koponan, ayaw nilang masyadong magmukmok pagkatapos matalo sa Petro Gazz Angels sa game 3 noong Sabado.
Sa halip ay agad silang nakatutok para sa nalalapit na 2025 AVC Women’s Champions League na bubuksan sa huling bahagi ng Abril.
Bigo ang Creamline na makamit ang kanilang ikalimang sunod na All-Filipino crown at ikalimang sunod na PVL championship sa pangkalahatan.
Gayunman, sinabi ni Coach Sherwin Meneses na hindi naman nahirapan ang kanyang mga player na tanggapin ang kanilang pagkatalo.