NILAMON ng apoy ang hindi bababa sa dalawampung kabahayan sa Pasay City.
Bagaman walang nasawi, aabot sa walumpu hanggang isandaang pamilya ang nawalan ng tirahan sa mahigit isang oras na sunog.
Pansamantalang nanunuluyan ang mga nasunugan sa covered court ng isang paaralan.
Patuloy din ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa sanhi ng sunog at sa halaga ng mga natupok na ari-arian.




