17 September 2024
Calbayog City
National

Computerized na itsura ng isa sa mga suspek sa pagpaslang sa radio anchor sa Misamis Occidental, inilabas na ng PNP

computerized facial composite

Inilabas na ng Philippine National Police (PNP) ang computerized facial composite ng isa sa mga suspek sa pagpatay sa mamamahayag na si Juan Jumalon o mas kilala bilang DJ Johnny Walker sa Misamis Occidental.

Bukod dito, hawak na rin ng pulisya ang CCTV footage ng dalawang suspek.

Ayon kay Misamis Occidental Provincial Police Office (PPO) Spokesperson Alma Laurie Pescador, isasailalaim sa video enhancement ang nakuhang video footage sa labas ng bahay ng biktima, upang matukoy ng malinaw ang pagkakakilanlan ng dalawang gunmen.

Tatayong witness sa insidente ang isang empleyado ng 94.7 Calamba Gold FM at isang working student na nanunuluyan sa bahay ng pinatay na brodkaster.

Si Jumalon ay nasa kanyang home-based radio station sa Barangay Don Bernardo A. Neri nang barilin ng salarin, kung saan tumama ang bala sa ibaba ng kanyang labi at tumagos sa likurang bahagi ng kanyang ulo.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *