PINURI ng COMELEC ang iba’t ibang ahensya sa Eastern Visayas para sa generally peaceful midterm elections, kahit ilang bayan sa lalawigan ang itinuring na hot spots.
Sinabi ni COMELEC Eastern Visayas Assistant Regional Director Maria Corazon Montallana, na bahagya silang na-sorpresa dahil kahit mga lugar na nasa ilalim ng red category, gaya sa Sta. Margarita, Samar, ay naging mapayapa ang eleksyon.
Illegal gun dealer, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Calbayog City
Halos 3 milyong pisong halaga ng tulong pangkabuhayan, ipinagkaloob ng DOLE sa mga grupo ng kababaihan sa Southern Leyte
Mahigit 142,000 na disadvantaged workers, natulungan ng TUPAD sa Eastern Visayas noong 2025
Eastern Visayas, nakapagtala ng 0.7% Inflation noong 2025; pinakamababa sa loob ng 30 taon
Naniniwala si Montallana na resulta ito ng ilang buwan na paghahanda at joint security meetings.
Ang bayan ng Sta. Margarita ang tanging lugar sa rehiyon na nasa ilalim ng red category dahil sa mga nakaraang election-related incidents at presensya ng mga rebelde at armadong grupo.
Mayroon naman dalawampu’t anim na lugar sa Eastern Visayas na tinukoy bilang election areas of concern na isinailalim sa orange at yellow categories.
