13 October 2025
Calbayog City
National

DOJ, tiniyak na sasampahan ng mga kasong kriminal si Tony Yang

tony yang doj

Sasampahan ng mga kasong kriminal ng Department of Justice (DOJ) ang nakatatandang kapatid ni dating Presidential Economic Adviser Michael Yang na si Tony Yang.

Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi ipade-deport ang nakatatandang Yang, dahil mahaharap ito sa mga kasong kriminal, bukod pa sa paglabag sa immigration laws, na siyang dahilan  kung bakit inaresto ito ng Bureau of Immigration.

Una nang itinanggi ni Tony Yang ang pagkakadawit nito sa POGOs nang iginiit nina Senador Risa Hontiveros at Sherwin Gatchalian ang  koneksyon nito sa illegal gaming operators.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.