19 April 2025
Calbayog City
Local

Rehabilitasyon sa Gadgaran-Navarro Road, malapit nang makumpleto

MALAPIT nang matapos ang rehabilitasyon ng Gadgaran-Navarro Road sa Calbayog, ayon kay City Engineer Ashley Albaña.

Ang proyekto na sinimulan ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy, ay may budget na 10 million pesos, at kinuha ang 20% nito sa development fund para sa calendar year 2025.

Sinabi ni Albaña na sa pamamagitan ng proyekto ay inaasahan ang mas mabilis at ligtas na biyahe, at pagsigla ng ekonomiya sa lugar.

Pinasalamatan at pinapurihan naman ng ilang residente si Mayor Mon sa pagsusulong nito ng proyekto na pakikinabangan ng Barangay Navarro, kung saan ito natalo noong 2022 elections, maging ang inendorso nitong kandidato sa nakaraang barangay elections.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).