WALANG team na nabigyan ng outright semis berth sa 2026 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference.
Ito’y matapos ipatikim ng Cignal sa kanilang sister team na PLDT ang unang pagkatalo sa tournament, sa score na 25-21, 25-19, at 25-23, sa FilOil Centre sa San Juan.
ALSO READ:
UP, itinanghal na kampeon sa UAAP Men’s Football matapos padapain ang FEU sa Finals
Pinay tennis superstar na si Alex Eala, umakyat sa panibagong career-best No. 31 sa WTA rankings
Mike Phillips, binigyang ng full local status ng FIBA para sa Gilas Pilipinas, ayon sa SBP
Gilas players, malapit ng makumpleto sa training sa inaasahang pagdating ni Quentin Millora-Brown
Bago magsimula ang kompetisyon, inanunsyo na ang team na makaka-sweep sa preliminaries at makakakuha ng playoff advantage, at may sigurado nang pwesto sa Semis.
Bago ang match kagabi, ang PLDT na lamang ang koponan na wala pang talo. Dahil dito, lahat ng teams ay kailangang sumabak sa Qualifying o Play-In Rounds para makapasok sa Final Four.
