Nagpaabot ng pakikiramay ang Criminal Investigation and Detection Group sa pagpanaw ng isa nitong tauhan na nasawi habang ginagampanan ang kaniyang tungkulin.
Ayon sa CIDG, ang kanilang tauhan na sina Patrolman Ferry Jaso at Patrolman Leonel Estroso ay nagsagawa ng surveillance laban sa isang “Abner Casador” sa San Jose, Dinagat Islands dahil sa paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition.
Taripa sa imported na bigas, hindi itataas, ayon kay Finance Sec. Recto
Mga crew ng BRP Suluan, pinarangalan ng Coast Guard kasunod ng pangha-harass ng China sa Bajo De Masinloc
VP sara, inaasahan nang tatapyasan ng Kamara ang 2026 Budget ng OVP
Pangulong Marcos, tiwala pa rin sa pamumuno ni Sec. Bonoan sa DPWH – Palasyo
Habang kausap si “Casador” nakatunog ito na pulis ang kaniyang kaharap kaya agad itong bumunot ng baril at pinaputukan si Jaso sa ulo naging dahilan ng pagkasawi ng pulis.
Nagawa namang rumesponde ni Estroso at pinaputukan nito si Casador na nagresulta din sa pagkasawi nito.
Ayon sa CIDG, ang 29-anyos na si Jaso na tubong Surigao del Norte ay nagtapos bilang Cum Laude sa North Eastern Mindanao Colleges sa Surigao City at isa siyang licensed criminologist.
Tiniyak ng CIDG na bibigyan ng tulong at suporta ang naulilang pamilya ng pulis.