6 July 2025
Calbayog City
Sports

Chris Koon, huling nadagdag sa roster ng strong group para sa Dubai Tournament

Pinakahuling nadagdag si dating Ateneo De Manila University standout Chris Koon sa roster ng strong group athletics na sasabak sa nalalapit na 34th Dubai International Basketball Championship.

Gaganapin ang tournament sa Dubai simula sa jan. 24 hanggang Feb. 2.

Huling naglaro ang 6-foot-5 guard na si Koon sa kanyang Collegiate Season sa Uaap Season 87, kung saan nag-average siya ng 7.58 points, 4.17 rebounds, at 1.83 assists per game.

Ang pagkakabilang ni koon sa strong group hudyat ng pagsisimula ng kanyang professional career.

Sa ngayon ay kompleto na ang koponan ng Strong Group Athletics sa pamamagitan ng pinagsama-samang Local at International Talents.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).