WALANG plano sa ngayon ang Chinese Embassy na makipag-usap kay Senator Risa Hontiveros sa isyu ng West Philippine Sea.
Reaksyon ito ni Chinese Embassy Spokesperson Ji Lingpeng sa pahayag ng senadora na hindi siya makikipagdayalogo sa mga opisyal ng embahada hangga’t hindi humihingi ng paumanhin ang mga ito.
ALSO READ:
DFA, nagbabala sa paglalagay ng unauthorized stamps sa pasaporte
Defense lawyer ni Dating Pangulong Duterte na si Nicholas Kaufman, tumatanggap ng P145M legal fee kada buwan
Ilang pangako ng EDSA People Power, hindi natupad
Dating Senador Trillanes, hahabulin ang mga nag-aakusang tumanggap siya ng pera mula kay Zaldy Co
Ayon sa Chinese envoy kung tutuusin si Hontiveros nga ang dapat na mag-sorry sa China dahil sa mga Anti-China statement niya.
Pero sinabi ni Ji na kahit pa humingi ng paumanhin si Hontiveros, pag-iisipan pa ring mabuti ng embahada kung papayag silang makipag-usap sa senadora.
Dagdag pa ng embassy official, mahirap din kasing gisingin ang diwa ng isang taong nagpapanggap lamang na natutulog.
