INANUNSYO ng Israeli military na napaslang ang second most senior figure ng Hezbollah sa unang air strikes sa loob ng ilang buwan sa Southern Beirut.
Inilarawan ng Israel Defense Forces (IDF) si Hezbollah Chief of Staff Haytham Ali Tabatabai, bilang “Key Operative and Veteran” sa Terrorist Organization.
ALSO READ:
Popemobile ni Pope Francis, ginawang mobile clinic para sa mga bata sa Gaza
Israeli airstrikes, pumatay ng 20 katao sa Gaza
2, patay sa pag-atake ng armadong kalalakihan sa simbahan sa Nigeria; pastor at ilang deboto, dinukot!
Halos 20 patay, mahigit 60 sugatan sa panibagong pag-atake ng Russia sa Ukraine
Inihayag ni IDF Chief of Staff Lt. Gen. Eyal Zamir na layunin ng pag-atake na mapigilan ang organisasyon na palakasin ang kanilang kapabilidad at makapaglunsad ng opensiba na magdudulot ng pinsala sa Israel.
Ayon sa Lebanese Health Ministry, lima katao ang nasawi habang dalawampu’t walo ang nasugatan mula sa naturang pag-atake.
