21 November 2024
Calbayog City
Sports

Chery Tiggo at Eya Laure, nireresolba pa ang isyu sa kontrata, ilang araw nalang bago ang pagbubukas ng PVL Season

SINISIKAP ng Chery Tiggo at ni Eya Laure na magkasundo sa gitna ng isyu sa kontrata sa pagitan ng dalawang partido, ilang araw na lamang bago ang pagbubukas ng 2024-2025 Premier Volleyball League (PVL) sa Sabado.

Sinabi ni Chery Tiggo Team Manager Aaron Velez na wala pang naaabot na definite agreement ang magkabilang panig.

Kasunod ito ng reports na tinerminate ng dating UST standout ang kanyang kontrata sa crossovers bago ang actual expiry date.

Sa bahagi naman ng liga, binigyang diin ni Commissioner Sherwin Malonzo na hindi nanghihimasok ang PVL sa internal issue na tanging ang koponan at si Laure lamang ang makareresolba.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).