IBINASURA ng Department of Justice ang reklamong cyberlibel na isinampa ni Senator Risa Hontiveros laban kay Atty. Ferdinand Topacio at limang iba pa.
Sa resolusyon ng DOJ, walang nakitang sapat na ebidensya para isulong ang kaso sa korte laban kina Topacio, at sa mga social media personality na sina Bryon Cristobal o Banat By, Jeffrey “Ka Eric” Celiz, Krizette “Kiffy” Chu, Jose “Jay” Sonza, at Alex Destor o Tio Moreno.
Ayon sa DOJ, hindi napatunayan sa reklamo na mayroong “actual malice” sa aksyon ng mga respondent.
Inihain ni Hontiveros ang reklamo laban sa anim matapos nilang sabihin na inimpluwensyahan ng senadora ang isang testigo laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.




