GUILTY ang hatol ng Taguig Court sa businessman na si Cedric Lee at model na si Deniece Cornejo, kasama ang dalawang iba pa sa kasong illegal detention na isinampa ng aktor na Vhong Navarro.
Sinentensyahan ng Taguig Regional Trial Court Branch 153 sina Lee, Cornejo, Ferdinand Guerrero, at Simeon Raz ng reclusion perpetua na may parusang dalawampu hanggang apatnapung taong pagkabilanggo.
Agad ding kinansela ng korte ang bail bond ng apat.
Inatasan din ng Taguig Court ang bawat akusado na bayaran si Navarro ng 100,000 pesos na civil indemnity, 100,000 pesos para sa moral damages, at 100,000 pesos na exemplary damages.
January 22, 2014 nang sampahan ni Navarro ang grupo ni Lee ng illegal detention makaraang akusahan siya ni Cornejo ng panggagahasa.