HINDI bababa sa animnapu katao ang patay sa Northern China bunsod ng masamang panahon sa nakalipas na linggo.
Kabilang dito ang tatlumpu’t isa sa isang Elderly Care Home sa Miyun District sa Beijing, na isa sa Deadliest Floods na tumama sa kabisera sa mga nakalipas na taon.
ALSO READ:
Iran, walang palulusutin kahit 1 litrong langis sa Strait of Hormuz
UAE oil giant na ADNOC, isinara ang kanilang Ruwais refinery kasunod ng drone strike
France, naghahanda sa pag-escort ng mga barko sa Strait of Hormuz kapag kumalma na ang giyera
13 katao patay, halos 2,000 sugatan sa mga pag-atake ng Iran sa Israel
Sa Press Conference, sinabi ni Deputy Mayor ng Beijing na si Xia Linmao, na apatnapu’t apat ang nasawi habang siyam pa ang nawawala, hanggang kahapon.
Sa kalapit lalawigan na Hebei, labing anim naman ang namatay bunsod ng malalakas na pag-ulan.
Walo rin ang nasawi sa Chende City, sa labas ng Beijing habang labing walong iba pa ang nawawala.
