Isinasailalim sa audit ang lahat ng security bollards sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kasunod ng aksidente na ikinasawi ng alawang katao sa Terminal 1.
Ayon sa pahayag ng NEW NAIA Infra Corp., ang nasabing mga security bollards ay ikinabit noon pang taong 2019.
Sa ginagawang audit, bubusisiin kung maayos ang pagkakakabit ng mga bollard.
Binago na din ang layout ng parking sa drop-off zone sa NAIA Terminal 1.
Sa halip na diagonal setup gaya ng dati ay ginawa nang parallel ang layout ng pagparada ng mga sasakyan.
Ayon sa NNIC ito ay para mas ligtas sa mga pasahero at driver.
Paalala ng NNIC sa mga magtutungo sa NAIA Terminal 1, sundin lamang ang mga signs at directions na ibibigay ng traffic marshals.