TINAMBAKAN ng Cleveland Cavaliers ang Philadelphia 76ers sa Score na 132-121, makaraaang makapagtala si Donovan Mitchell ng Season-High na 46 points at mag-ambag si Jarrett Allen ng 24 points at 10 rebounds.
Nagdagdag din si Evan Mobley ng 23 points para sa Cleveland na nagtala ng ikalawang sunod na panalo.
Pinangunahan naman nina Tyrese Maxey at Quentin Grimes ang Philadelphia na umiskor ng tig-27 points.
Hindi naglaro si 76ers Center Joel Embiid, na ilang sunod na gabing hindi pinayagan ng Philadelphia dahil sa Injury sa kaliwang tuhod.




