SINIMULAN na sa bahagi ng Roxas Boulevard sa Maynila ang hindi paggamit ng mga sasakyan tuwing araw ng Linggo, dahil nais ng lokal na pamahalaan na mas maging malusog ang mga residente.
Kahapon, May 12, naging “Carless” simula 5 a.m. hanggang 9 a.m. ang Roxas Boulevard mula sa panulukan ng Quirino Avenue hanggang Padre Burgos Avenue (Northbound at Southbound).
Ang innermost o pinakaloob na lane para sa mga bikers habang ang iba pang lanes ay para sa mga nagja-jogging at naglalakad.
Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna, mahalaga ang kalusugan ng mga Manileño, kaya binuksan nila ang Roxas Boulevard para sa mga nais mag-exercise tuwing linggo ng umaga.