KINUMPIRMA ni Carla Abellana na engaged na sila ng kanyang non-showbiz partner.
Unang umugong ang marriage rumors nang mag-post ang aktres sa social media ng litrato ng kanyang kaliwang kamay na may suot na diamond ring habang hawak ng kamay ng isang lalaki.
ALSO READ:
Nilagyan ito ni Carla ng bible verse at tatlong white heart emojis bilang caption.
Tinalakay ang kasal sa pagitan ni Carla at unknown partner nito, ng showbiz host na si Ogie Diaz sa vlog nito noong Oktubre.
Gayunman, ilang araw matapos ma-upload ang video ni Ogie, hindi nagkomento ang aktres at in-invoke ang kanyang “right to self incrimination.”




