Isang cargo vessel ang nasunog habang nakadaong sa bisinidad ng Castilla, sa Sorsogon.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), dakong alas onse ng umaga kahapon nang sumiklab ang sunog sa cargo vessel na MV Ken na pag-aari ng isang Camarines Sur-based company.
Mabilis namang rumesponde ang PCG, katuwang ang Philippine Navy at Bureau of Fire Protection, kasama ang mga tripulante ng MV Ken at kalapit na MV Annabelle.
Naapula ang sunog pasado alas tres ng hapon.