PINAYUKO ng Capital1 ang mas matatag na koponan ng Choco sa Straight-Set na 25-23, 26-24, 25-19, sa 2025 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference, sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Bunsod nito, nakamit ng Squad na pinangungunahan ni Bella Belen ang ikatlo nilang panalo sa Pool A, at nagtapos sila sa ikatlong pwesto.
Sa Standings, naungusan ng Solar Spikers sa 3-2, ang Flying Titans na may 2-3, at makakalaban nila ang Lower-Ranked Teams sa ibang Pool sa susunod na Round.
Sa Postgame Press Conference, sinabi ni Coach Jorge De Brito na maganda ang pagkakapanalo nila ng straight Sets subalit kailangan pa nilang paghusayan sa mga susunod na laban.




