22 April 2025
Calbayog City
National

Campaign period para sa National candidates, nagsimula na ngayong martes, seguridad, tiniyak ng PNP

JANUARY 09, 2025 Opening of the National Election Monitoring Action Center (NEMAC) and briefing on areas of concern held at the PNP Command Center Camp Crame. From right, AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner, PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil, Comelec Chairman Atty. George Erwin Garcia and Commissioner Aimee Ferolino. INQUIRER PHOTO/LYN RILLON

TINIYAK ng PNP sa publiko na handang-handa silang magbigay ng seguridad, kasabay ng pagsisimula ng campaign period para sa senatorial candidates at party-list groups ngayong martes

Sinabi ni PNP Spokesperson, Police Brig. Gen. Jean Fajardo, na magde-deploy din ng karagdagang personnel sa key locations at engagement areas, batay sa koordinasyon sa national candidates.

Ipinag-utos ni PNP Chief Police General Rommel Marbil ang maximum police deployment, partikular sa election areas of concern.

As of Jan. 9, kabuuang 403 areas ang itinuring bilang election areas of concern, kabilang ang 188 na nasa ilalim ng yellow category; 177 na nasa orange category;  at 38 na nasa red category.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).