PINADAPA ng TNT ang Magnolia sa score na 103-100, sa kanilang paghaharap, sa Ninoy Aquino Stadium, sa nagpapatuloy na Pba Commissioner’s Cup.
Pinangunahan ni Calvin Oftana na gumawa ng 42 points ang tropang giga, para sa kanilang unang panalo sa conference matapos mabigo sa kanilang first two assignments.
ALSO READ:
Pinoy jet ski racers, nakasungkit ng medalya sa WGP-1 Waterjet World Cup 2025 sa Thailand
Tim Cone, pinuri ang teams ng Gilas Men and Women sa nakamit na tagumpay sa SEA Games
Team Philippines, naging matagumpay pa rin sa paglahok sa SEA Games kahit kinapos sa target
Alex Eala, nasungkit ang kanyang unang SEA Games gold medal sa Women’s Tennis
Nagdagdag naman si Rondae Hollis-Jefferson ng 41 points at 13 rebounds.
Samantala, nakatatlong sunod na talo na ang Hotshots na naglalaro ngayon nang wala sina Paul Lee at Zavier Lucero dahil sa injuries.
