TUMANGGAP si Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy ng tseke mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na share ng Local Government Unit para sa mga buwan ng Enero hanggang Hunyo ngayong taon.
Personal na iniabot ni PCSO Western Samar Branch Manager, Engineer Edmund Kaizer Hidalgo ang tseke na nagkakahalaga ng kabuuang 1,158,43.94 pesos kahapon, sa Calbayog Convention Center.
Nagpasalamat naman si Mayor Mon sa assistance mula sa pcso, kasabay ng pagsasabing makatutulong ang naturang halaga para pondohan ang mga programa at serbisyo para sa mga residente ng lungsod.