PINANGUNAHAN ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy ang 4th Quarter Consultative Meeting ng Local Chief Executives ng Samar Sea Alliance sa Baypark Hotel.
Si Mayor Uy ang chairman ng Samar Sea Alliance of LGUS for Fisheries Management and Development (SASAFMD).
Isa itong multi-agency body na binubuo ng Local Chief Executives at lgu Officials, at concerned provincial at national agencies.
Layunin ng SASAFMD na matiyak ang sustainability ng local fishery at mahigpit na implementasyon ng fishery laws.
Inaasahan naman ni Mayor Uy ang maagang pagpa-plano para sa pagpapatupad ng mga proyekto at programa ng SASAFMD para sa 2024.