BUMISITA si Mayor Raymund “Monmon” Uy, kasama ang Calbayog City delegation sa Marikina City.
Nagsagawa ang grupo ni Mayor Mon ng benchmarking activity sa Marikina upang matutunan ang best practices ng centralized warehousing.
ALSO READ:
Mahigit 1,000 rice farmers sa Northern Samar, tumanggap ng ayuda sa gitna ng MABABANG farmgate prices
DOST, naglaan ng 600 million pesos para sa pagsusulong ng smart farming technologies
Rehabilitasyon sa Carigara Port sa Leyte, sinimulan na ng PPA
Tacloban journalist, hinatulan ng guilty sa terrorism financing
Isinagawa ang aktibidad noong Martes, kung saan pormal na tinanggap ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang delegasyon.
Ang administrasyon ni Teodoro ang naglagay sa Marikina bilang huwaran ng disiplina, organisasyon, at innovation o pagbabago sa local governance.
Ang naturang pagbisita ay nagbigay daan sa pagkakaroon ng makabuluhang oportunidad sa palitan ng kaalaman at mapagtibay ang inter-city collaboration.
Binigyang diin dito ang efficient logistics, resource management, at transparency sa operasyon.
