IHAHATID ng DTI Samar Provincial Office sa pakikipagtulungan ng Super Metro Calbayog at LGU Calbayog ang “Calbayog City Charter Day Trade Fair 2023, Cacao Festival and Octuba Festival”.
Gaganapin ito sa ika-apat hanggang ika-anim ng Oktubre, sa Super Metro, East Awang, Calbayog City.
Itatampok sa naturang aktibidad ang iba’t ibang produkto ng unang distrito ng Samar sa gabay ng DTI Samar Provincial Office sa pamamagitan ngNegosyo Centers.