ISINAILALIM na sa State of Calamity ang bayan ng Calayan sa Cagayan bunsod ng matinding pinsalang iniwan ng Bagyong Nando.
Sinabi ni Herbert Singun, Information Officer ng LGU Cagayan, na inaprubahan ng Sangguniang Bayan ang deklarasyon ng State of Calamity, kahapon.
ALSO READ:
Nangangahulugan aniya ito na maaring gamitin ang 30 percent o mahigit 4 million pesos ng kanilang Calamity Fund ngayong taon na mahigit 13.5 million pesos.
Kabilang sa paglalaanan ng Calamity Fund ang pagsasaayos sa mga napinsalang mahahalagang pasilidad, kabilang ang munisipyo, gayundin ang pamamahagi ng Relief Goods.
Noong Lunes ay nag-landfall sa bahagi ng Cagayan, partikular sa Panuitan Island ang Super Typhoon Nando.