NANGUNGUNA ang Region 4-A o calabarzon sa medal tally sa idinadaos na Palarong Pambansa.
Ang nasabing rehiyon ay mayroong kabuuang medal haul na 18 gold, 16 silver, at 12 bronze.
Naungusan ng CALABARZON ang defending champion at host ng Palaro na NCR na mayroong 16 gold, 17 silver, at 13 bronze.
Pumapangatlo naman sa medal tally ang Region VI o Western Visayas na mayroong 11 gold, 13 silver, at 10 bronze.
Habang nasa ikaapat na puwesto ang Region XI na mayroong 9 gold, 1 silver at 5 bronze.