Inuga ng magnitude 6.4 na lindol ang Cagayan, ala syete y medya kagabi (7:30PM).
Natunton ng PHIVOLCS ang epicenter ng lindol na tectonic in origin, 26 kilometers hilagang kanluran ng Dalupiri Island, at may lalim na sampung kilometro.
Wala naman inaasahang pinsala bunsod ng lindol subalit posible ang aftershocks. Naramdaman ang intensity 4 sa Sinait, Ilocos Sur habang nakapagtala rin ng instumental intensities, sa ilang bahagi ng Cagayan, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Aurora, at Isabela.