NAREKOBER ng Israel ang anim na bangkay ng mga bihag mula sa isang tunnel sa Southern Gaza, na pinaniniwalaang pinaslang bago pa man makarating sa kanila ang Israeli Forces.
Ayon kay Military Spokesperson, Rear Admiral Daniel Hagari, batay sa kanilang initial estimation, brutal na pinaslang ng mga teroristang hamas ang mga hostage, ilang sandali bago dumating ang mga sundalong Israeli.
ALSO READ:
Mahigit 40, patay sa air at ground operations ng Israel sa Lebanon
Iran, ipinagpaliban ang funeral ceremony para sa nasawing supreme leader dahil sa patuloy na pambobomba sa bansa
US, magpapadala ng mga eroplano para i-evacuate ang kanilang mamamayan mula sa Middle East
US Embassy sa Riyadh, tinamaan ng drones, ayon sa Saudi Defence Ministry
Inihayag ng Israeli military na dinala na sa Israel ang bangkay ng anim na mga hostage.
Kabilang dito ang Israeli-American na si Hersh Goldberg-Polin, kaya matiyagang tinutukan ni US President Joe Biden ang lagay ng mga bihag.
